mananatili
Tuesday, January 5, 2010akala ko nung itinago ko ang nararamdaman ko
walang magbabago sa pagtitinginan nating dalawa
pero bakit lahat ng saya ay naglaho ng parang bula
bawat panahon at oras na inilaan sa bawat isa ay tila alikabok na tinangay ng hangin
tila mumunting mga luhang pumatak sa kalagitnaan ng karagatan..
akala ko noon di magbabago ang pagtitinginan



nagbabago ang lahat - ang pangarap, paniniwala at damdamin… subalit sa pag-usad ng panahon, may mga bagay na nananatili pa rin… minsan, akala natin, mahal pa rin natin ang isang tao.. minsan, akala natin siya lang talaga kaya iginagapos natin ang sarili natin sa kanya…pero ang totoo, parte na lang siya ng nakaraan na patuloy na isinasama sa kasalukuyan… huwag mong hayaang maging alipin ka ng kahapon…
Posted by melodiya at March 12, 2010, 5:17 pm