hindi naman mahaba ang buhay para paasahin mo ang isang tao para sa wala lang, eh kung sinabi mo nalang sana na ayaw mo.. nahahanap na sana siya ng magmamahal sa kanya ng higit sa pagmamahal niya sayo..

Home » Post Item » minsan (10-12-09)

minsan (10-12-09)

Wednesday, October 14, 2009

saan man ako bumaling ikaw ang nakikita ko

kahit sa pagpikit ng mata, hindi ka mawala sa diwa ko

ano ba ang ginawa mo? bakit ako nagkakaganto?

naguguluhan ako, sagutin mo naman ako

 

walang oras na di kita naaalala

ang mga ngiti mo sa akin ay nagbibigay ng saya

saan man ako pumunta ay hinahanap hanap ka

di ko alam ang dahilan bakit nais kang makasama

 

bawat sandaling kapiling ka’y laging nagugunita

hindi ko maunawaan ano nga bana meron ka?

itong sinasabi ng isip ko ay tila naiiba

sa isinisigaw ng puso kong iba ang dinidikta

 

masakit sa akin ang ginawang paglayo

upang pigilin ang nadaramang pagsuyo

,ahirap para sa akin ang ika’y nasasaktan

lalo na’t alam ko na isa ako sa dahilan

 

sana’y di nalang nalaman ang totoo

kung ito naman ang sanhi ng iyong paglaho

sapat nang maipadama ang nararamdaman

kahit minsan sa panaginip lamang..

Posted by shaine at 11:31 am | permalink

Previous Comments

tnx for visiting my site…! tc

Posted by arkalyn12 at November 27, 2009, 8:29 am

Add a comment