sino ako…?
Friday, October 2, 2009tumatakbo ang panahon na tila ang bukas ay bahagi na lamang ng isang madilim na kahapon.. minasdan ko ang paligid at ang walang hanggang kadilimang bumabalot rito.. nagising akong naririnig ang malakas na pagpatak ng ulan mula sa langit.. namulat akong damang dama ang malamig na pakiramdam na bumabalot sa aking kaibuturan. biglang lumiwanag ang lahat.. gamit ang maliit na liwanag na nagmumula sa kandila ay inumpisahan kong isulat ang lahat ng mumunting salitang sumsigaw sa aking isipan.. tumigil ako sandali.. nag isip ng malalim.. aking napag tanto na ang panahon ay lumilipas ng hindi namamalayan. ang mumunting mga kamay ng orasan ay unti unting umiikot ng hindi natin napapansin.. kay bilis ng oras.. parang kailan lang.. isang nilalang ang isinilang sa mundo. isang munting iyak ang narinig sa apat na sulok ng isang silid. at eto sya ngayon, nagsusulat, hindi alam kung ano ang patutunguhan ng bawat letrang isinusulat ng kanyang kamay… isang masaklap na katotohanan, pero lahat tayo, tumatanda, nababago.. at sa ating pagtanda, humaharap tayo sa iba’t ibang yugto ng buhay kung saan may pintong nagsasara, at panibagong nagbubukas! at sa bawat kwentong ito, saan nga ba hahantong ang isang paglalakbay na hindi alam kung san patutungo?
sino nga ba ako? bakit ba ako nandito? ano nga ba ang kahahantungan ko? ano nga ba ang halaga ko!? pilit kong hinahanap ang sagot sa aking katanungan na bumabagabag sa aking isipan… kilala ko na nga ba ang sarili ko? o patuloy nalamang ba akong magtatago sa likod ng aking anino?
sa kadiliman, hinahanap ko ang sarili ko.. gusto kong sumigaw na ako lang ang makadidinig! gusto kong umiyak na ako lang ang makakakita! gusto kong tumakbo patung kung saan! pero bakit hindi ko magawa? wala na akong tinig upang sumigaw! wala na kong luhang mailuluha pa! wala na akong lakas para tumakbo!
tumingin ako sa salamin, pinagmasdan ko ang babaeng nakita ko sa harap nito.. nakatingin sya saki.. ang mga mata nya na tila nagtatanong.. nakita ko sa mga mata nya ang mumunting butil ng perlas na nagkukubli sa kanyang mga ngiti.. butil ng perlas na nakahandang kumawala oras na hindi na makayanan ang pagdurusang kanyang nadarama.. nakita ko sa kanyang mga labi nagkukubli ang kalungkutang dala ng pag-iisa at pagkaligalig.. sinubukan ko siyang tanungin subalit hindi siya sumagot.. sa halip ay ibinabato nia sa akin ang mga tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot..nakikita ko sa kanyang mga mata ang panunumbat sa kung anong kinahantungan ko ngayon! ang mga labi nyang naninisi kung bakit ako nagkaganito.. dito bumuhos ang mga luhang matagal kong ikinubli sa aking mga ngiti ng mahabang panahon.. at nakita ko siya, umiiyak siya kasama ko.. sabay kaming lumuha hanggang maubos ang mga luhang matagal ng itinatago,, muli ko siyang tinignan.. nalaman kong di ako nag iisa.. sumilay sa king mukha ang labios na kaligayahan.. at nakita ko.. ngumiti siya.. bagama’t mababanaag padin sa kanyang mga mata ang bakas ng pagluha, ngumiti siya na walang bahid ng kalungkutang itinatago.. wala na ang kalungkutang kanina’y nagkukubli sa kanyang mga mata..
sumaglit akong nag isip kung sino siyang talaga,, muli ko siyang tinanong subalit hindi padin siya sumagot…. nalaman ko sa sarili ko na kilala ko ang babaeng kaharap ko sa salamin.. subalit pano ko sya makikilala kung maging ang sarili ko ay hindi ko kilala.. paano ko makikilala ang babae sa salamin na walang iba kundi ako???
Previous Comments
ANO BA YAN DUDE? KAEMOHAN!!!! WTF!!!!! BITCH! wag ka na magpost kapangitan. I HATE IT! sinisira mo ang internet at ang computer na gngamit mo. TAE……
Posted by ihateemoness at June 12, 2010, 8:31 pmANO BA YAN DUDE? KAEMOHAN!!!! WTF!!!!! BITCH! wag ka na magpost kapangitan. I HATE IT! sinisira mo ang internet at ang computer na gngamit mo. TAE……such a loser
Posted by ihateemoness at June 12, 2010, 8:34 pmthanks parin for viewing,
pero sana lng dont post foul words kc di maganda tignan…
im not emo becoz emo is a genre of music!!!



hinahanap mo ba ang sarili mo???
Posted by melody at October 3, 2009, 5:01 pmkung hindi mo alam kung nasaan ka, kung hindi mo alam kung anong dahilan mo dito sa sankalupaan, basahin mo lang ang paboritong libro ko at magkkaroon ng liwanag ang madilim mong mundo…