hindi naman mahaba ang buhay para paasahin mo ang isang tao para sa wala lang, eh kung sinabi mo nalang sana na ayaw mo.. nahahanap na sana siya ng magmamahal sa kanya ng higit sa pagmamahal niya sayo..

Home » Post Item » Sa Isang Iglap…

Sa Isang Iglap…

Tuesday, April 7, 2009
Sa Isang Iglap
by Shaine Maala

Sa isang iglap di ko,inaakalang makikilala,
Sa isang gilap di ninasang makasama,
Pero bakit nga ba dumating pa?
Buhay ko tuloy, biglang nag-iba.

Di ka pinapansin,
Suplado sa aking paningin,
Ano nga naman ang halaga mo sa akin?
Ikaw naman ay tinagay lamang ng hangin.

Ngunit habang tumatagal,
Oras tila bumabagal,
Wari landas nating magkaiba,
Pilit pinagtatagpo ng tadhana.

Ngunit tama ba ito?
Ang mahulog sayo ng husto?
Ipagpapatuloy na lamang ba ang biro?
At di na tatapusin ang ang sinimulang laro?

Lihim na lamang ba kitang iibigin?
At pilit itatago ang nilalaman ng damdamin?
Titiisin ang labis na pasakit,
susulitin ang makasama ka ng saglit?

Siguro’y sapat na ang minsan,
Ibigin ka kahit sa panaginip lamang,
Tama na ang sa isang iglap,
Mahalin ka, kahit sa pangarap…

2-27-07
03-13-08

Posted by shaine at 3:35 pm | permalink

Previous Comments

Sabi nila,Open rebuke is better than secret love pero para sakin, secret love is better than open rebuke….

Posted by melody at July 27, 2009, 1:12 pm

:)

Posted by shaine at October 23, 2009, 11:38 am

Add a comment